-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ni House Speaker Faustino Dy III na kabilang sa pangunahing prayoridad ng kamara ang edukasyon, kabilang ang suporta sa mga guro at estudyante at pagtiyak sa kaligtasan sa mga paaralan.

Sinabi ni Dy na mahalaga ang matatag na pundasyon ng edukasyon para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataang pilipino.

Dumalo rin si Dy sa panunumpa ng mahigit 4,000 educators at non-teaching personnel sa Isabela na na-promote sa ilalim ng expanded career progression program ng Department of Education.

Sa paggunita sa National Teachers’ month, pinasalamatan ni Dy ang mga guro sa kanilang mahalagang papel sa paghubog sa susunod na henerasyon.

Binigyang-diin din niya ang wastong paggamit ng pondo ng bayan para sa edukasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Dy, mahalaga rin ang direktang konsultasyon sa mga guro, magulang, lokal na opisyal at komunidad upang matukoy ang mga problemang kinakaharap ng mga estudyante at makabuo ng mga batas na tumutugon sa aktuwal na pangangailangan ng mga pilipinong pamilya.