-- ADVERTISEMENT --

Tinambakan ng South Korea ang Gilas Pilipinas Women 80-58 sa nagpapatuloy na 2025 William Jones Cup sa Taipei, Taiwan.

Hindi nakaporma ang basketball team ng bansa sa South Korea na siyang bronze medalist noong 19th Asian Games sa taong 2023 at fifth placer sa FIBA Women’s Asia Cup.

Sa simula pa lamang ng laro ay dominado na ng South Korea ang laro.

Ito na ang pangalawang talo ng Gilas Women na ang una ay sa kamay ng host counry na Chinese Taipei 85-59.