Ibinunyag ni former Senator Antonio Trillanes IV na nakatanggap siya ng impormasyon nagsasabing ang ilan sa mga kasapi ng nagpakilalang mga dating sundalo ay may plano ng bumigay o umatras.
Aniya’y mayroon sa naturang grupo ang posible at malapit ng magsabi ng buong katotohanan ukol sa kanilang paglantad o pagharap sa publiko.
Umaasa kasi ang dating mambabatas na sa mga susunod na lingkod ay maaring mabuo na kwento at mabigyang kaliwanagan ang mga alegasyon o paratang ng 18-nagpakilalang mga dating sundalo.
Dagdag pa ni former Sen. Trillanes na ang limang kasamahan na hindi kabilang sa 18 ay napag-alaman din umano na inalukan ng pera.
Subalit ayon sa dating senador, hindi tinanggap ng mga ito ang pera para lamang lumabas sa publiko at ilahad ang mga rebelasyon korapsyon sa pamahalaan.
Gayunpaman, pagtitiyak ni dating Sen. Trillanes IV na kanyang sasabihin o ibabahagi ang impormasyon sakaling maari ng isapubliko ang nalalaman pa patungkol sa isyu.











