Bukas umano ang ‘messaging platform’ na Discord na magtalaga ng kanilang kinatawan o ‘local law firm’ sa Pilipinas ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Magbubuo ng representasyon ang naturang ‘online communication platform’ upang magsilbing kinatawan at tumalima na rin sa mga panuntunan ng bansa.
Ang naturang plano ay siyang napagdiskusyunan nang magkaroon ang CICC, sa pangunguna ni Dir. Usec. Aboy Paraiso, ng pagpupulong kasama si Discord Senior Policy Advisor for Asia-Pacific Vasundhara Singh.
Magugunitang bumisita ang naturang opisyal ng Discord sa Pilipinas matapos tiyakin ang pakikipag-ugnayan sa gobyerno para sa layon palakasyon ang ‘online child safety’ at maisulong ang mas ligtas na ‘digital space’.
Ito’y kasabay af alinsunod sa tumataas na bilang ng mga banta ng ‘online sexual abuse or exploitation of children’ (OSAEC) at NVE o nihilistic violence extremism.
Hinimok naman ng Discord ang ahensiya na bigyang linaw ang patungkol sa kahilingan kung ang nais ba’y isang ‘local representative’ o kailangan ng pisikal na opisina para makapag-operate sa bansa.
Kaya’t iginiit ni CICC Usec. Paraiso na ndapat ang kinatawan nila’y mayroon sapat na otoridad para tugunan ang mga isyu kaysa hanggang ‘contact’ lamang.











