Posibleng I-adjust ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang paraan ng paglalahad nito ng mga argumento at ebidensya sa impeachment trial, kasunod ng mga komento mula sa senator-judges.
Ayon kay Defense spokesperson Atty. Michael Wesley T. Poa, itinuturing nila ang mga puna ng mga Senador bilang constructive feedback na makatutulong para malaman kung malinaw at epektibong naipapakita ng depensa ang kanilang mga punto.
Sinabi ni Poa na kung may mga argumento o ebidensyang hindi naging malinaw o hindi nag-register sa mga Senator-judges, maaari nilang I-tweak o I-recalibrate ang kanilang presentasyon.
Binigyang-diin niya na mahalagang maunawaan ng mga Senator-judges ang posisyon ng depensa dahil sila ang magpapasya sa impeachment case.
Gayunman, hindi ibinunyag ni poa ang mga partikular na adjustment o argumento na kanilang paghahandaan.
Ayon pa sa abogado, iba-iba ang estilo ng bawat defense counsel sa cross-examination at oral arguments, kaya pag-uusapan ng kanilang team kung kinakailangan ang pagbabago sa kanilang approach.











