-- ADVERTISEMENT --

Kinuwestyon ni Defense Lead Counsel Atty. Sheila Sison ang pagpapalit sa pagkakasunod ng mga testigo sa ika-36 na araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos hindi makadalo ang presenting lawyer ng prosecution panel dahil sa pagkakasakit, dahilan para iminungkahing ituloy na muna ang pagharap ng witness mula sa Bureau of Internal Revenue o BIR.

Ayon kay Sison, tila hindi patas para sa panig ng depensa na sila pa ang kailangang mag-adjust sa biglaang pagbabago ng witness presentation.

Aniya, nasa Senado naman ang BIR witness at naroon din umano ang maraming miyembro ng prosecution panel na maaaring nakapaghanda na para sa pagtatanong dito.

“Ipapasa po sa amin ‘yung nangyaring ngayon na kami ‘yung mag-a-adjust para dito samantalang naririto po at mukha naman pong kumpleto ang prosecution na pinagsanib ng mga public prosecutors at mga pribadong prosecutor,” pahayag ni Sison.

-- ADVERTISEMENT --

Iginiit din ng abogado na maaaring napag-usapan na ng prosecution team ang magiging saklaw ng direct examination sa BIR witness.

#BomboRadyoGensan