-- ADVERTISEMENT --

Tuloy ang ratsada ng defending champion na si Carlos Alcaraz matapos nitong masungkit ang silya sa quarter-finals ng US Open nang patumbahin ang dating World No. 8 na si Tommy Paul sa pamamagitan ng straight sets, 6-4, 6-3, 6-4.

Hindi na pinatagal pa ng second seed na Spanish ang bakbakan at mabilis na pinatahimik si Paul sa loob lamang ng tatlong sunod-sunod na set.

Umabot lamang sa tinatayang tig-20 minuto ang bawat set upang tuluyang maselyuhan ni Alcaraz ang kaniyang tagumpay.

Kasunod ng impresibong panalong ito, aabante si Alcaraz sa susunod na yugto kung saan haharapin niya ang bigating tennis player na si Ben Shelton.

Matatandaang umusad rin si Shelton sa quarter-finals matapos nitong padapain sa isang maikling sagupaan ang kapwa batikang netter na si Stefanos Tsitsipas.

-- ADVERTISEMENT --

Magpapatuloy ang kampanya ni Alcaraz habang puntirya nitong dagdagan pa ang kaniyang mga nakamit na kampeonato, kabilang ang tropeo sa Australian Open ngayong taon at ang matagumpay niyang pagdepensa ng korona.

Sa kaniyang nagniningning na professional career, bitbit ni Alcaraz ang walong Masters 1000 titles at isang pambihirang 90.3% winning percentage sa US Open.