-- ADVERTISEMENT --

Ipinag-utos ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pansamantalang pababawal sa pag-angkat ng poultry products mula sa Indiana, US.

Ito ay dahil sa napaulat na paglaganap ng kaso ng H5N1 Avian Influenza o bird flu.

Kasama sa mga ipagbabawal na angkatin ay ang poultry meat, day-old chicks, itlog, at iba pang poultry-based products.

Layunin ng bagong kautusan na maprotektahan ang poultry industry sa Pilipinas laban sa posibleng pagpasok ng virus mula sa naturang estado.

Sa kabila nito, papayagan pa ring makapasok sa Pilipinas ang mga shipment na naipadala na mula sa US bago ipatupad ang kautusan kung ang mga ito ay naproseso o kinatay bago sumapit ang petsang Enero-30.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpaalala naman ang DA na kukumpiskahin ang anumang shipment na lalabag sa bagong kautusan, kasabay ng pagbabantay sa mga pantalan ng bansa.