-- ADVERTISEMENT --
Humina na ang bagyong Basyang at tuluyan nang naging isang low pressure area (LPA) habang patuloy na kumikilos pa-kanluran sa Sulu Sea.
Huling namataan ang LPA sa layong 105 kilometro timog-silangan ng Cuyo, Palawan.
Wala nang nakataas na wind signal sa anumang bahagi ng bansa, ngunit inaasahan pa rin ang mga pag-ulan sa ilang lugar dahil sa natitirang kaulapan nito.
Una rito, ang bagyong Basyang ay nag-landfall sa Surigao del Sur at Northern Mindanao bago dumiretso sa Visayas at saka humina.
Sa kasalukuyan, kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
-- ADVERTISEMENT --
Bagama’t hindi na banta ang malakas na hangin, pinapayuhan pa rin ang mga residente sa Palawan at kalapit na lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

![“PARANG INAMIN NA RIN NIYA [PBBM] NA SIMULA 2023 AY ITINURING NILA AKONG THREAT” —VP SARA](https://img.bomboradyo.com/gensan/2026/10/vp-sara-3-218x150.webp)






![“PARANG INAMIN NA RIN NIYA [PBBM] NA SIMULA 2023 AY ITINURING NILA AKONG THREAT” —VP SARA](https://img.bomboradyo.com/gensan/2026/10/vp-sara-3-100x70.webp)


