-- ADVERTISEMENT --

Naging mala-pelikula ang unang match sa pagsisimula ng 2026-2027 NBA Regular Season ngayong araw (Oct. 21) matapos gumawa ang Detroit Pistons ng matagumpay na comeback laban sa Boston Celtics.

Binura ng Pistons ang 22-point deficit at ibinulsa ang 8-point win sa pagtatapos ng laban, 121-113.

Sa pagtatapos ng halftime, hawak pa ng Boston ang 13-point lead, 58-45, sa pangunguna ng bagong forward ng koponan na si Paul George.

Gayonpaman, mabilis na naglaho ang double-digit lead ng Boston dahil tuluyan itong naibaba sa anim na puntos sa pagtatapos ng 3rd quarter.

Sinundan pa nila ito ng 18-0 run sa 4th quarter at tuluyang ibinulsa ang 7-point lead.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi na nakahabol pa ang Boston sa kabila ng pagpupumilit ng koponan, at sa huli ay nalasap nito ang 8-point loss sa kamay ng mga bagitong Pistons.

Sa pagkatalo ng Boston, nalimitahan lamang si Jayson Tatum sa anim na field goals mula sa 23 na kaniyang pinakawalan at sa pagtatapos ng laban, tanging 13 points lamang ang nagawa niyang i-ambag.

Naging maganda naman ang debut ni George sa Celtics at kumamada ng 38 points sa loob lamang ng 31 mins na paglalaro. Nagbulsa din siya ng 5 steals.

Para sa winning team, pare-parehong gumawa ng 20-point performance ang mga bagitong Pistons na sina Cade Cunningham, Duncan Robinson, at Jalen Duren. Naging malaking tulong din ang 19 points na ipinasok ng bench na si Javonte Green na naglaro lamang sa loob ng 17 mins.

Ito ang unang panalo ng Pistons at unang pagkatalo ng Boston ngayong season.