Tuloy-tuloy pa rin ang pagmonitor ng Department of Migrant Workers sa kalagayan ng mga Pinoy sa Italy at France kaugnay sa naging kabilaang protesta noong nakaraang linggo.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Paris, Milan, at Rome.
Ayon pa sa kagawaran, bukas ang linya ng kanilang komunikasyon sa mga Pilipinong nangangailangan ng kanilang agarang tulong anuman ang mangyari.
Samantala, humupa na rin ang tensyon sa mga lugar na pinangyarihan ng protesta. Kontrolado na rin ng mga law enforcement officer ang sitwasyon matapos ang kabilaang rally sa Europa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, walang mga Pilipino ang nadamay o apektado sa mass protest sa France at Italy.
Naglabas naman ng abiso ang Philippine Consulate General sa Milan na hinihimok ang mga Pilipino na mag-ingat nang husto sa gitna ng kaguluhan.











