-- ADVERTISEMENT --
Inaasahang aabot sa 1.93 milyong pasahero ang daraan sa mga pantalan sa buong bansa mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 5, kaugnay ng paggunita sa Undas 2026.
Bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero, muling inilunsad ng Philippine Ports Authority o PPA ang Online Reservation Assistance System o ORAS.
Layunin ng sistema na mapadali ang pagkuha ng reservation assistance ng mga pasaherong bibiyahe sa mga pantalan, lalo na ng mga uuwi sa kani-kanilang probinsya upang dalawin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay. | via Bombo Ysa Cotoner











