-- ADVERTISEMENT --

Muling nakitaan ng pagbuga ng abo ang Bulkang Mayon ngayong Sabado, ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, namataan ang pagbuga ng abo mula sa bunganga ng Mayon bandang alas-11:05 ng umaga.

Umabot sa 400 metro sa ibabaw ng summit crater ang grayish at brownish na abo na ibinuga ng bulkan, batay sa mga kuha ng Mayon Volcano Observatory gamit ang Ligñon Hill Crater RASPI at ng Internet Protocol (IP) camera sa Legazpi City.Bumili ng Globo

Nananatili sa Alert Level 2 o moderate unrest ang kasalukuyang estado ng Bulkang Mayon.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglapit sa loob ng 2 kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Mayon.

-- ADVERTISEMENT --