Kinumpirma ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa impeachment trial na business associate niya si businessman Jaime t. Cruz, na kaibigan umano ng kaniyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte.
Kinumpirma rin ni Baste na kapwa sila shareholders ni Cruz sa Chinese Gen Bee Foods Corporation, kung saan nakalista rin bilang shareholder ang kaniyang kapatid na si Davao City 1st District rep. Paolo Duterte.
Si Cruz ang kumatawan sa JTC group of companies Philippines Inc., na may pinakamalaking subscribed interest sa Gencorp industries Inc., kumpanyang nakakuha ng 19 kontrata mula sa Davao City government na nagkakahalaga ng mahigit P33 milyon mula 2022 hanggang 2026.
Gayunman, sinabi ni Baste na hindi niya alam na pangunahing stockholder ng Gencorp si Cruz at hindi niya tiningnan ang corporate records o abstracts of quotations ng kompanya.
Ayon sa lkalde, tinanong lamang niya ang City Administrator kung dumaan sa tamang proseso ang mga kontrata at kung qualified ang Gencorp.
Nang tanungin kung papayagan pa rin niyang makakuha ng city contracts ang Gencorp kung alam niyang stockholder dito si VP Sara Duterte, sagot ng alkalde na hindi niya ito papayagan.











