-- ADVERTISEMENT --

Sa pagsisimula ng Day 19 ng impeachment trial vs VP Sara Duterte, binigyan ng Senate Impeachment Court ng maikling panahon si Atty. Virgil Ligutan para magpaliwanag ukol sa kaniyang naunang post ukol sa misleading questions noong August 12.

Ang naturang post ay dati nang pinuna ng Defense team ni VP Sara.

Paliwanag ni Atty. Ligutan, ang kaniyang post ay isang regular post ukol sa misleading questions, at ang kaniyang teacher’s instinct ang nagtulak sa kaniya upang gawin ito.

Giit ng batikang litigator, ang pag-post niya sa facebook ay hindi patama laban sa sinumang miyembro ng Defense team.

Hindi rin aniya makatwiran na i-angat ng defense team ang naturang isyu sa korte dahil wala naman siyang nilabag na anumang panuntunan, at hindi rin umano niya tinalakay ang merito ng kaso.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Ligutan, isa siyang abogado at guro, kaya’t magpapatuloy ang kaniyang pagnanais na makapagturo kahit pa siya ay miyembro ng House Prosecution panel.