Dinala sa pagamutan ang contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya II para sumailalim sa operasyon nito sa kaniyang balikat.
Ayon kay Senate Secretary Mark Llandro “Dong” Mendoza na inaprubahan ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Panfilo Lacson ang hirit ng kampo ni Discaya.
Dagdag pa nito na maaring magtagal siya ng apat hanggang pitong araw siya sa pagamutan.
Bilang proseso ay nakaposas ang kamay ni Discaya bago ilabas ito sa Senado.
Tiniyak din ng Senate Secretary na mahigpit na babantayan ng Senate Security si Discaya habang ito ay nasa pagamutan.
Bukod pa dito ay maghihigpit din sila sa mga nais dumalaw mula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.
Magugunitang mula pa noong Setyembre 2025 ay nakakulong na sa Senado ang contractro matapos na mai-cite in contempt ito ng Senate Blue Ribbon Committee sa pagdinig dahil sa anomalya ng flood control projects.











