-- ADVERTISEMENT --

Malapit nang malaglag sa Play-In Tournament picture ang Golden State Warriors matapos muling matalo sa kamay ng Eastern Conference top team na Detroit Pistons.

Nakuha ng Pistons ang 115-101 panalo laban sa GSW, sa kabila ng hindi paglalaro ng kanilang star player na si Cade Cunningham.

Hindi nakabawi ang Warriors sa matinding opensa ng Pistons, lalo na’t hindi naging epektibo ang defensive anchor ng koponan na si Draymond Green.

Sa loob ng 22 minuto ni Green sa hardcourt, dalawang beses lamang siyang nagtangkang magpasok ng field goal—at parehong mintis. Tanging 5 rebounds, 6 assists, isang steal, at isang block ang naiambag niya sa pagkatalo ng 2022 NBA champion.

Sa kabilang banda, nanguna sa panalo ng Detroit ang bagitong sentro na si Jalen Duren. Kumamada siya ng 23 puntos mula sa walong field goals at pitong free throws.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan, hawak ng Warriors ang ika-sampung puwesto sa Western Conference—ang huling spot para sa Play-In Tournament—bago ang pagsisimula ng Playoffs sa huling bahagi ng Abril.