-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang gumawa ng kasaysayan ang Filipino group na SB19 dahil sa sila ang unang Pinoy na magtatanghal sa Lollapalooza 2026.

Kumalat ang nasabing balita matapos ianunsiyo ng organizers ng sikat na music festivals ang line mga lineup.

Base sa inilabas na lineup ay makakasama ng grupo sina Charli XCX, Jennie Olivia Dean at iba pa.

Gaganapin ang nasabing music festival mula sa Hulyo 30 hanggang Agosto 2.

Ang Lollapalooza ay siyang pinakamatagal na music festival sa US mula noong 1991 kung saan mayroong walong stages na sabay-sabay na magtatanghal.

-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang maglabas ang grupo ng bagong album na “Wakas at Simula” sa darating na Marso 27 kung saan kasabay din nito ang paglabas ng concert finale na may parehas na titulo.