-- ADVERTISEMENT --
Nagbago ng posisyon ang pamahalaan ng France at tuluyan nang ide-deploy ang kanilang nuclear-powered aircraft carrier na Charles De Gaulle patungong Eastern Mediterranean upang idipensa ang kanilang pwersa at mga kaalyadong bansa laban sa serye ng pag-atake ng Iran.
Inihayag ni French President Emmanuel Macron ang direktiba matapos tamaan ng Iranian drone strikes ang isang hangar sa French naval base sa United Arab Emirates (UAE) at isang British airbase sa Cyprus.
Una nang umiwas ang France na direktang makialam sa isinasagawang Operation Epic Fury ng Amerika at Israel laban sa Iran.
Subalit, napilitan itong magpadala ng pwersa bunsod ng direktang banta sa kanilang mga assets sa rehiyon.











