-- ADVERTISEMENT --
Nanawagan si World Health Organization chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa mga bansa na tanggapin ang mga pasyente ng Gaza.
Sinabi nito na mayroong 19 na critically ill patients at 93 na kasamahan ng mga ito ang inilikas mula sa Gaza.
Dinala ang mga ito sa specialized medical care sa bansang Italy.
Dagdag pa nito na mayroon pang nasa 16,500 na katao ang nangangailan ng agarang atensyon medical.
Magugunitang dahil sa matinding pag-atake ng Israel ay maraming mga gusali ang nasira.
-- ADVERTISEMENT --











