-- ADVERTISEMENT --

Hindi prayoridad ng Kamara ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay House Speaker Bojie Dy III na marami pang problema at isyu na kinakaharap ng bansa kaya dapat unahin muna itong bigyan ng solusyon.

Tugon ito ni Speaker sa mga post sa media na nagsasabing maghahain si Rep. Francisco “Kiko” Barzaga ng Dasmariñas City ng impeachment complaint laban sa Pangulo.

Pinaliwanag ni Dy na wala pa namang naihain na ganoong reklamo, at ang Kamara ay kasalukuyang abala sa ibang mahahalagang usapin.

Pinangako ng Speaker sa publiko na sa ilalim ng kanyang pamumuno, patuloy na tututok ang Kamara sa mga polisiya na sumusuporta sa mga magsasaka, nagpapalakas ng seguridad sa pagkain, nagsusulong ng pananagutan, at naghahatid ng konkretong resulta para sa mga Pilipino.

-- ADVERTISEMENT --