-- ADVERTISEMENT --
Naaresto ang isang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isang joint buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Payompon, Mamburao, Occidental Mindoro.
Ang suspek na itinuturing na High-Value Target (HVT) ay si alyas “Mike,” 47 taong gulang, isang job order employee ng DPWH at residente ng nabanggit na lugar.
Narekober mula sa suspek ang 1 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.00.
Sasampahan siya ng kaso dahil sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.