-- ADVERTISEMENT --

Isiniwalat ng aktres na si Bela Padilla ang dahilan ng kanilang hiwalayan ng kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay matapos ang apat na taong relasyon.

Ayon kay Bela, ang kanyang desisyon na bumalik sa Pilipinas ang naging pangunahing dahilan ng kanilang breakup.

Aniya pa, direkta niyang tinanong si Norman kung handa ba itong sumama sa kanya sa Pilipinas, ngunit tumanggi umano ang kanyang ex-boyfriend.

Dagdag pa ng aktres, iginagalang niya ang desisyon ng kanyang dating kasintahan dahil mayroon itong maayos na trabaho sa London.

Inamin din ni Bela na nasaktan siya sa kanilang paghihiwalay dahil mahal na mahal niya ito.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunpaman, sa kabila ng kanilang breakup, nanatili silang magkaibigan.