-- ADVERTISEMENT --

Pinayuhan ni Senador Ping Lacson si Senate President Vicente Sotto III na huwag balewalain ang mga miyembro ng minority bloc.

Ang minority bloc sa Senado ay binubuo ng siyam na miyembro, na pinamumunuan ni Senador Alan Peter Cayetano bilang minority floor leader.

Samantala, may 15 miyembro naman ang majority bloc.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Lacson na maliit lamang ang agwat ng bilang ng dalawang panig, at pabirong idinagdag na baka bukas o makalawa ay si Sotto na ang makudeta.

Nagkaroon pa ng magaan na biruan na huwag kunin si Senador Joel Villanueva bilang majority floor leader ni Sotto, dahil tila nakukudeta umano ang mga Senate President na kanyang nasilbihan.

-- ADVERTISEMENT --

Naging majority leader si Villanueva sa ilalim ng pamumuno nina Senador Juan Miguel Zubiri, na una nang napatalsik, at ni Senador Francis “Chiz” Escudero, na pinalitan naman ni Sotto nitong Lunes.