-- ADVERTISEMENT --

Muling pinatunayan ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao na ang edad ay hindi hadlang sa pagbabalik sa larangan ng boxing.

Sa kabila ng apat na taong pamamahinga, siya ay muling isinama sa WBC welterweight rankings ngayong Agosto 2025.

Pinakahuling laban niya ay si Mario Barrios sa Las Vegas noong Hulyo 19, 2025, kung saan nagtapos ito biolang draw.

Pumasa si Pacquiao sa lahat ng kinakailangang medical tests at drug screening ng WBC Clean Boxing Program.

Ayon sa WBC, karapat-dapat siyang muling isama sa listahan dahil sa kaniyang magandang record.

-- ADVERTISEMENT --

Maraming tagahanga ang sabik na muling masilayan ang “Pambansang Kamao” sa mga susunod pa nitong laban.

Para kay Pacquiao, ang laban na ito ay hindi lamang pagbabalik, kundi patunay na ang puso ng isang kampeon ay hindi kailanman kumukupas.