-- ADVERTISEMENT --
Nabuo na rin bilang bagyo ang isa pang low pressure area (LPA).
Ayon sa Pagasa, dalawa na ang sama ng panahon na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong araw.
Kinabibilangan ito ng bagyong Dante na nasa 800 km silangan ng Extreme Northern Luzon.
Habang ang pangalawa ay bagyong Emong na malapit sa kanluran ng Babuyan Island.
Maliban dito, nananatili pa rin ang tyansa ng ibang LPA na lumakas sa mga darating na araw.
-- ADVERTISEMENT --
Lalo’t ang isang namumuong sama ng panahon ay inaasahan ding lalakas bilang bagyo sa loob ng susunod na 24 oras.