Hinimok ng ICC registry ang Trial Chamber III na ipaliwanag ang anumang pahintulot kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na lumabas sa courtroom habang nililitis ang kanyang kaso.
Ayon sa registry, maaaring magdulot ng haka-haka at disinformation ang biglaang pagkawala ni Duterte sa courtroom feed, lalo na’t matindi ang interes ng mga biktima, apektadong komunidad at mga manonood sa pilipinas sa paglilitis.
Iminungkahi ng Registry na ipaliwanag sa publiko sa unang araw ng trial ang anumang standing permission para makalabas si duterte, at magbigay ng konkretong detalye tungkol dito.
Maaari rin itong ulitin sa simula ng bawat trial day at ipaalam nang maaga sa mga testigo.
Inaasahan din ng registry ang masusing pagbabantay ng Philippine media sa kilos at kondisyon ni Duterte.
Kung hindi siya makadalo nang personal, maaari ring gumamit ng video link mula sa ICC detention center, subject sa pag-apruba ng chamber.
Nauna nang idineklara ng Trial Chamber III na fit to stand trial si Duterte.
Nakatakda ang ikaapat na status conference sa oktubre 13, habang ang huling status conference bago ang trial ay sa Nobyembre 2.











