-- ADVERTISEMENT --

Pansamantalang pinutol ng Senate Impeachment Court ang opisyal na livestreaming ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Biyernes, Oktubre 9, matapos magtaas ng concern ang testigong si Bureau of Internal Revenue (BIR) Chief of Staff Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez ukol sa privacy ng ilang opisyal ng ahensya.

Nanggaling ang pangamba ni Garcia-Marquez nang maipakita at ma-flash sa mga monitor at screen sa loob ng impeachment court ang mga sensitibong personal na detalye ng mga revenue officer at examiner ng BIR na humahawak sa mga dokumento ng pagsusuri.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ng impeachment court ang pagputol sa broadcast upang masuri at maiproseso ang pagtatakip o pag-redact sa mga pribadong impormasyon alinsunod sa Data Privacy Act at mga probisyon ng Tax Code ukol sa confidentiality.

Nagsimulang tumestigo si Garcia-Marquez sa ikalawang araw ng kaniyang pagharap sa korte kaugnay ng Article 2 ng impeachment complaint na tumutukoy sa sinasabing unexplained wealth at mga income tax return (ITR) ni VP Sara at ng kaniyang kabiyak na si Atty. Manases “Mans” Carpio.

Ipinagpapatuloy ng Senado ang pagdinig habang inaayos ang seguridad ng mga ipinapakitang electronic exhibit upang matiyak na hindi malalabag ang karapatan sa data privacy ng mga pampublikong kawani habang nagpapatuloy ang pampublikong paglilitis.

-- ADVERTISEMENT --