-- ADVERTISEMENT --

LAPU-LAPU CITY,CEBU– Nabaril at napatay ang isang 42-anyos na lalaki ng kanyang kasama sa paggamit ng ilegal na droga sa Sitio Lupa 1, Barangay Pajac, Lapu-Lapu City noong Hulyo 1.

Kinilala ang biktima na si Labrada, 42 anyos, at residente ng Sitio Abuno, Barangay Pajac, Lapu-Lapu.

Ang suspek naman ay kinilalang si Aloy, na umano’y kasamahan din sa paggamit ng ilegal na droga.

Napagalaman na kasama ng biktima sa paggamit ng droga ang suspek at dalawa pang indibidwal na kinilalang sina Junriel Yburan, ang may-ari ng bahay, at Joey Paras.

Napag-alaman na nagtalo ang biktima at ang suspek kung sino ang mauuna sa paggamit ng ilegal na droga.

-- ADVERTISEMENT --

Umalis sandali ang suspek at nang bumalik ay may dala na itong baril na agad niyang ginamit sa pamamaril.

Ayon kay Police Lt. Col. Christian Torres, tagapagsalita ng Lapu-Lapu City Police Office, nang rumesponde ang mga awtoridad, wala na sa eksaktong pinangyarihan ang bangkay ng biktima dahil inilabas ito ng may-ari ng bahay.

Nilinis din ang dugo sa loob ng bahay kung saan naganap ang pamamaril.

Dahil dito, inaresto sina Yburan at Paras dahil sa paglabag sa “Obstruction of Justice” matapos pakialaman ang crime scene.