-- ADVERTISEMENT --
Naging matagumpay ang ginawang airstrike ng US sa isang barko ng Venezuela na nagdadala ng iligal na droga.
Inanunsiyo ni Secretary of Defense Pete Hegseth ang matagumpay na operasyon sa Venezuela na ikinasawi ngayon ng apat na katao.
Dagdag pa nito na ang operasyon ay mula sa kautusan ni US President Donald Trump na pigilan ang mga nagaganap na narco-trafficking sa USSOUTHCOM area of responsibility.
Naganap ang insidente sa international waters na malapit sa karagatan ng Venezuela.
Hindi naman na binanggit ng opisyal kung anong grupo ang kanilang nasakote.
Ito na ang pangalawang insidente kung saan unang insidente ay noong Setyembre 2 na pawang mga grupo ng drug cartels mula a Venezuela.
-- ADVERTISEMENT --