-- ADVERTISEMENT --

Balik na sa winning forms ang Titan Ultra matapos talunin ang Blackwater 97-86 sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Philippine Cup.

Nanguna sa panalo ng Titan si Calvin Abueva na nagtala ng 23 points habang mayroong 18 points si Joshua Munzon sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Naputol na ng Giant Risers ang apat na larong magkasunod na pagkatalo matapos ang panalo sa Bossing kung saan mayroon na silang dalawang panalo at apat na talo.

Sinabi ni Titan Ultra coach John Cardel na binago nila ang kanilang pag-uugaling pagkaniya-kaniya kaya sila nagwagi.