-- ADVERTISEMENT --

Pasok na sa Western Conference Finals ng NBA ang San Antonio Spurs.

Kasunod ito sa kanilang pagkapanalo laban sa Minnesota Timberwolves 139-109.

Dumating ang Spurs sa Minnesota na mayroong 3-2 na bentahe sa kanilang best-of-seven semifinals.

Bumida sa panalo ng Spurs si Stephon Castle na nagtala ng 32 points, 11 rebounds habang mayroong 21 points si De’Aaron Fox at 19 points naman ang naitala ni Victor Wembanyama.

Huling nakapasok sa conference finals ang Spurs ay noong 2017.

-- ADVERTISEMENT --

Makakaharap ng Spurs ang defending champion na Oklahoma City Thunder para sa Western Conference Finals.

Sa regular season ay mayroong apat na panalo at isang talo ang Spurs noong makaharap nila ang OKC.