-- ADVERTISEMENT --

Maaaring maharap pa rin si Senator Alan Peter dahil sa anomalya sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) noong maghost ang Pilipinas ng 2019 Southeast Asian Games (SEA) Games.

Sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, na sa mga susunod na araw ay kanilang irerekomenda ang pagsampa ng kaso sa ilang mga dating limang miyembro ng Phisgoc board of trustees.Sanggunihang Pang-heyograpiko

Bilang chairman ng board of trustees ang Senador ay inihayag ni Matibag na tiyak na ito ay kasama sa kaso.

Hindi naman na nagbigay pa ng anumang detalye si Matibag kung anong mga kaso ang maaaring isampa sa Senador at ilang mga Phisgoc officials.