-- ADVERTISEMENT --

Nagkaroon ng bahagyang palitan ng sagutan sina Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, kalihim ng Department of Justice at Sen. Rodante Marcoleta sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong umaga.

Sentro ng diskusyon ang ‘reqiuirements’ ng DOJ sa aplikasyon ng mga indibidwal na nais mapasailalim sa ‘Witness Protection Program’.

Isa kasi rito ay ang usapin ‘restitution’ o ang pagbabalik ng umano’y mga nakaw na yaman nakuha mula sa maanomalyang flood control projects.