-- ADVERTISEMENT --
Muling nagpaulan ng mga missiles at drones ang Russia laban sa Ukraine.
Sinabi ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy, na nagpapakita lamang na ang ginagawa ng Russia ay hindi sila interesado na magkaroon ng mapayapang pag-uusap.
Itinakda kasi sa susunod na linggo ng US ang panibagong pag-uusap sa pagitan nila ng Russia at Ukraine.
Nagpahayag ng pagdalo si Zelensky subalit nagdadalawang isip pa ang Russia.
Magpapadala ng mga kinatawan ang Ukraine sa pag-uusap na maaring gawin sa Miami o sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.
-- ADVERTISEMENT --
Magugunitang makailang ulit na nagsagawa ng pagpupulong ang US para matapos na ang halos apat na taong paglusob ng Russia sa Ukraine.











