Balak ng Pilipinas na bumili ng mas marami pang military equipment mula sa India.
Kinumpirma ito ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr.
Ayon sa AFP chief, mataas ang kalidad ng mga kagamitang militar mula sa India at hindi kasing mahal tulad ng sa ibang bansa.
Hindi naman tinukoy ni Gen. Brawner ang mga military equipment na posibleng bilhin mula sa India dahil na rin sa security reasons.
Subalit, kasalukuyan aniyang prinoproseso ng India ang pagpapadala sa bansa ng BrahMos cruise missile systems na in-order ng Pilipinas.
Nakatakda aniyang dumating ang dalawang sets ng BrahMos systems sa mga susunod na taon.
Ang naturang armas ay kasama sa nilagdaang P18.9 billion na kontrata para sa tatlong BrahMos cruise system batteries noong Enero 2022 sa ilalim pa ng nakalipas na administrasyon.
Ipinadala sa Pilipinas ang unang BrahMos batteries noong Abril ng nakalipas na taon.