-- ADVERTISEMENT --

Personal na dumalo si Vice President Sara Duterte sa Senado nitong Huwebes, Nov. 26 para sa plenary deliberation ng panukalang P785.2 milyong budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2027.

Gayunman, hindi na nagtagal ang pagtalakay sa panukalang pondo ng tanggapan matapos walang senador ang nagtanong o nagsagawa ng interpellation.

Dahil dito, agad na natapos ang deliberasyon at nakalusot sa plenaryo ang proposed budget ng OVP. Bahagi ang pagtalakay sa pondo ng tanggapan ni Duterte ng nagpapatuloy na pagsusuri ng Senado sa panukalang P7.2-trilyong pambansang budget para sa susunod na taon

Ang plenary deliberations ay pagkakataon ng mga senador na suriin ang mga panukalang pondo ng mga ahensya at tanggapan ng pamahalaan, magtanong sa mga sponsor at maghain ng mga isyung may kaugnayan sa paggamit ng pondo.

Sa kabila ng mabilis na pagtalakay sa budget ng OVP, hindi pa ito nangangahulugang pinal nang aprubado ang buong 2027 national budget.

-- ADVERTISEMENT --