-- ADVERTISEMENT --

Pinaiigting ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay sa mga online platform upang mapigilan ang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok ngayong papalapit ang kapaskuhan.

Ito ay kasunod ng pagkakaaresto sa isang 20-anyos na online seller sa Malanday, Valenzuela City noong Nobyembre 24, 2026, kung saan nasamsam ng mga operatiba ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang 200 piraso ng ilegal na paputok.

Nadiskubre ang pagbebenta ng suspek sa pamamagitan ng cyber patrolling, na sinundan ng isang entrapment operation. Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7183, kaugnay ng Section 6 ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.