-- ADVERTISEMENT --

Magkakaroon na ng panibagong format ang NBA All-Star Game sa susunod na taon.

Mula sa dating dalawang team ay magiging tatlong team ito na USA vs. World.

Mayroong dalawang USA team na binubuo ng walong miyembro at isang World team kung saan maglalaro ang mga ito ng single round robin format.

Sinabi ni NBA Commissioner Adam Silver, naging maganda ang feedback mula sa mga manlalaro at mga koponan.

Gaganapin ang NBA All-Star sa Intuit Dome sa Los Angeles sa buwan ng Pebrero ng susunod na taon.

-- ADVERTISEMENT --