-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang magsampa ng pormal na reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang Presidential Communications Office (PCO) laban sa mga indibidwal na nagpapakalat ng maling impormasyon o misinformation hinggil sa kalusugan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sinabi ni PCO Secretary Dave Gomez nitong Miyerkoles, Abril 8, na kasalukuyan na nilang kinokolekta ang lahat ng ebidensiya kaugnay nito.

Dagdag pa niya, plano nilang isampa ng reklamo sa susunod na linggo.

Muling iginiit ng Malacañang na walang sakit ang Pangulo at ang dati niyang karamdaman na diverticulitis ay hindi na nakakaapekto sa kanya o sa kanyang pang-araw-araw na trabaho.