-- ADVERTISEMENT --
Nagtipon-tipon ang mga protesters sa harap ng bahay ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Jerusalem.
Patuloy ang panawagan ng mga protesters sa tuluyan ng pagwawakas ng giyera nila sa Gaza.
Kasama rin nilang ipinanawagan ang tuluyang pagpapalaya ng mga bihag.
Hindi naman nakalapit pa ang mga protesters dahil sa mga nakabantay na kapulisan sa lugar.
Magugunitang maraming mga protesters na ang naaresto sa ilang araw na kilos protesta na isinagawa.
-- ADVERTISEMENT --