-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang maging host ng Miss Globe 2025 pageant ang Pinay beauty queen na si Maureen Montagne.

Ibinahagi nito ang magandang balita sa kaniyang social media account na gaganapin ang pageant sa Oktubre 15 sa Tirana, Albania.

Makakasama niyang maging host dito sa Miss Earth 2023 Drita Ziri.

Sinabi nito na labis ang kaniyang kasabikan na maipakita ang kagandahan ng Albania.

-- ADVERTISEMENT --