-- ADVERTISEMENT --

Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang disposisyon hinggil sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan na sumuway sa utos na wag lalabas ng bansa upang agad makatugon at makaresponde sa kanilang constituents na biktima ng kalamidad.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, na hindi agad pwedeng sabihin na may sala na ang mga opisyal na tumuloy pa rin ng lakad sa ibang bansa sa kabila ng inilabas na memo laban dito ng dilg.

Dagdag pa ni Castro, kailangan munang pag aralan kung ano ba talaga ang pakay ng mga opisyal sa kanilang biyahe at kung nakaapekto ba ito sa mabilisang pag aksyon para sa mga biktima ng kalamidad.

Sinabi ng opisyal na bahala na aniyang magpaliwanag ang mga opisyal na ito kay secretary remulla at kung ano ang magiging pasya hinggil dito ng kalihim.