-- ADVERTISEMENT --

Hinimok ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting ang publiko na hintayin na lamang ang magiging desisyon ng korte ukol sa petisyon ‘habeas corpus’ ng magkakapatid na Duterte para kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y kasunod nang ibasura ng International Criminal Court Appeals Chamber ang apela ng kampo ni former President Duterte hinggil sa isyu ng hurisdiksyon ng ICC sa kaso nitong kinakaharap.

“We will have to wait and see how the SC decides,” ani Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting