-- ADVERTISEMENT --
Ipinahayag ni Kaye Abad ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanyang mga biyenan dahil sa kabutihan ng mga ito.
Matatandaang mula nang ikasal, sa Cebu na naninirahan si Kaye kasama ang kanyang asawa na si Paul Jake Castillo.
Mayroon na silang dalawang anak na lalaki.
Ang pamilya ni Paul Jake ay nagmamay-ari ng International Pharmaceuticals, Inc., isang kumpanyang nakabase sa Cebu.
Bagamat lumaki sa isang mayamang pamilya si Paul Jake, nagsumikap pa rin siya sa buhay upang maitaguyod ang sarili nilang pamilya.
-- ADVERTISEMENT --
Bukod sa pagtulong sa pamilya ni Kaye, tinutulungan din ng mga magulang ni Paul Jake ang kanilang mga kasambahay, patunay ng kabutihan at kagandahang-loob ng kanyang mga biyenan.