-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ng kampo ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ang ulat hinggil sa precautionary hold departure order (PHDO) na inilabas ng Sandiganbayan sa kahilingan ng Office of the Ombudsman.

Ayon kay Atty. Ade Fajardo, abogado at tagapagsalita ni Romualdez, nananatili sa Pilipinas ang kongresista at hindi umalis ng bansa.

Aniya, anumang ulat o pahiwatig na siya ay tumakas ay “mali at iresponsable.”

Ipinaliwanag ni Fajardo na dumaan sa tamang proseso si Romualdez nang humiling at nakakuha ng kinakailangang travel authority, at nakipag-ugnayan nang maayos sa Department of Justice at Bureau of Immigration para sa isang maikling, apat na araw na medical check-up sa kanyang doktor sa Singapore.

Dagdag pa ng kampo, mula pa sa simula ay ipinakita ni Romualdez ang kooperasyon, transparency, at paggalang sa legal na proseso. Gayunman, anila, ang lehitimong hakbang na ito ay pinalabas na tila pagtatangkang tumakas.

-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak ni Fajardo na gagamitin nila ang lahat ng nararapat na legal remedies upang kuwestiyunin ang paglalabas ng PHDO sa tamang forum.

Nanindigan din ang kongresista na handa siyang harapin nang direkta ang mga alegasyon laban sa kanya.

“We will avail of all appropriate legal remedies to question the issuance of this order before the proper forum. Rep. Romualdez remains committed to facing these allegations squarely,” wika ni Atty. Fajardo.