-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ng defense counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufmann na imposibleng gamiting batayan ang mga naging talumpati nito upang patunayan ang criminal intent, kasabay ng pagpuna sa umano’y hindi kumpletong paglalahad ng prosekusyon sa tunay na konteksto ng mga pahayag ng dating punong ehekutibo.

Sa pagpapatuloy ng ikatlong araw ng confirmation of charges hearing sa kasong Crimes Against Humanity , tinukoy ng abogado ang ikalawang talumpating ginamit ng ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang sa kanyang opening statement.

Ang nasabing talumpati ay patungkol umano sa pag-ako ni Duterte ng responsibilidad at pangakong protektahan ang mga rogue officers mula sa prosekusyon.

Ayon sa depensa, iprinisinta lamang ng Deputy Prosecutor ang ilang bahagi ng talumpati ng pangulo .

Gayunpaman, binigyang-diin ng kampo ni Duterte na mayroong mahalagang bahagi na sadyang inalis ang prosekusyon.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinakita ng abogado ang karugtong na pahayag mula sa parehong talumpati kung saan malinaw na nag-uutos ang dating pangulo sa mga awtoridad na unahin ang mapayapang pag-aresto.

Kung maaalala, ipinaliwanag ng depensa na bagama’t kilala ang dating pangulo sa kanyang matapang na pananalita, ang kabuuang mensahe ng nasabing direktiba ay malinaw na paghimok sa lawful self-defense.

Ayon sa abogado, ipinapakita ng buong pahayag na pinapayagan lamang ang paggamit ng dahas kung mayroong violent resistance na naglalagay sa panganib sa buhay ng mga pulis, at patunay ito na walang inuutos na criminal intent ang dating administrasyon.