Itinanggi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na humingi sila ng ceasefire.
Sinabi nito na hindi rin kailanman na humirit sila ng anumang negosasyon dahil sa ginawang pag-atake ng Israel at US.
Wala aniyang rason silang nakikita kung bakit kailangan nilang makipag-usap sa US.
Giit nito dahil habang nagkakaroon aniya sila ng pag-uusap ay doon naman nagdesisyon ang US na atakihin sila.
Handa umano nilang ipagtanggol ang sarili mula sa giyerang pinili ni US President Donald Trump.
Nagpahayag din nito na bukas ang Iran na makipag-usap sa mga bansa para sa ligtas na pagdaan nila sa Strait of Hormuz.
May ilang bansa na rin na lumapit sa kanila para ligtas sa anumang atake ang mga barko nila.
Nanindigan ito na wala ng balak pa ang Iran na buhayin ang kanilang nuclear program.











