-- ADVERTISEMENT --
Plantsado na ng Simbahan at civil society group ang pagsasagawa ng ikatlong Trillion Peso March sa EDSA Shrine.
Isasabay nila ito sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25.
Ayon sa mga organizers na kinabibilangan ng Caritas Philippines, Buhay ang People Power Campaign Network (BAPP) at Simbahan at Komunidad Laban sa Katiwalian, nakasentro ang aktibidad sa pagdiriwang nga nakaraan, paggalaw ngayon at pagplano para sa kinabukasan.
Sinabi naman ni Caritas Executive Director Fr. Tito Caluag na dahil sa mga nangyaring anomalya sa flood control ay nabuhay muli ang civil responsibility ng mamamayan.
Hinikayat nito ang publiko na makibahagi sa nasabing aktibidad.
-- ADVERTISEMENT --











