-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ngayon ng Bureau of Immigration na nakalabas na ng bansa si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval, na nagtungo sa United States of America via Taiwan si Bonoan nitong hapon ng Martes.

Dagdag pa nito na sakop si Bonoan sa Immigration Lookout Bulletin Order si Bonoan na inilabas ng Department of Justice (DOJ).

Subalit paglilinaw nito na ang ILBO ay para imonitor ang travel activities at hindi katulad ng hold departure order na hindi papayagang makalabas ang mga indibidwal sa bansa.

Magugunitang nasasangkot si Bonoan dahil sa mga maanomalyang flood control projects.

-- ADVERTISEMENT --